Hula Ni Juan

RHONIEL DIMACULANGAN

Sundan mo ang liwanag ng araw
Hayaan mong dumampi ang init
Sa iyong mga kamay na
Nilalamig sa tuwing ika'y may kaba

Wag mong bitawan ang iyong panaginip
Mga hula ni Juan wag kang makikinig
Bulong ng hanging ligaw
Wag kang makikinig
Baka ika'y matangay

Araw-araw ika'y lumaban
Sa hamon na binigay sa 'yong buhay
Oras-oras wag mong kalimutang
May pag-asa pa
Kaya ika'y matuwa

Masdan mo ang mga kabataan
Nakalimot sa kanilang pinanggalingan
Luwa ang mga mata
Ngayo'y nagagalit sa kanilang nagawa

Buksan mo ang iyong pag-iisip
Hindi ka dapat magmadali
May kalalagyan ang lahat
Wag kang maiinip
Malapit na'ng kapalit

Araw-araw ika'y lumaban
Sa hamon na binigay sa 'yong buhay
Oras-oras wag mong kalimutang
May pag-asa pa
Kaya ika'y matuwa

Araw-araw ika'y lumaban
Sa hamon na binigay sa 'yong buhay
Oras-oras wag mong kalimutang
May pag-asa pa
Kaya ika'y matuwa

Wissenswertes über das Lied Hula Ni Juan von 6cyclemind

Auf welchen Alben wurde das Lied “Hula Ni Juan” von 6cyclemind veröffentlicht?
6cyclemind hat das Lied auf den Alben “Fiesta” im Jahr 2007 und “Fiesta! Magsasaya Ang Lahat” im Jahr 2007 veröffentlicht.
Wer hat das Lied “Hula Ni Juan” von 6cyclemind komponiert?
Das Lied “Hula Ni Juan” von 6cyclemind wurde von RHONIEL DIMACULANGAN komponiert.

Beliebteste Lieder von 6cyclemind

Andere Künstler von Middle of the Road (MOR)