Tirador

Sige makinig ka (woop woop)
Bawat lagapak parang takatak lang ng makinilya
Ikinagagalak na ipakilala ka sa makabagong era (prrrt)
At ako ang bida mga putangina
Sobrang imba ko sa rima kung ikaw edi wow mali na
Mahihina habang sa'kin sadyang mabigat at (hina)
Pambihira parang galing lamang sa hinaharap (hira)
Astig ah pinakama-appeal pa pagdating sa pag-rap
Pinagkakaguluhan pa nga ng lahat
Pinagkakaisahan ng mga palpak

Tumpak 'tong pakyu ko para sa lahat ng nagdududa
Sarap manapak lang naknamputa
Pagkat talamak na ang basura
Madalas ang paglabag sa batas sapagkat
Kumakalam ang sikmura kung alam mo lang ang itsura
Kulay ng abo ang pintura
Ang pintuan palabas mananatili na nakasara
Makakapili ka ba talaga
O baka pilitin ka lang ng mga
Sitwasyon sa buhay na maaari mong ikamatay
Kung 'di ka sanay sumakay ng walang kasabay kasi pag

Pag gusto ko kailangan ko makuha
Kung 'di makuha aaralin ko na muna
Hindi 'to basta laro lang buhay ang nakataya
Kaya kung trip mong sumugal pumusta ka (pumusta ka)

Pag gusto ko kailangan ko makuha
Kung 'di makuha aaralin ko na muna
Hindi 'to basta laro lang buhay ang nakataya
Kaya kung trip mong sumugal pumusta ka (pumusta ka)

Pumasa ka kaya sa pagsusulit
O bumagsak kaagad sa pagsusuri
Sumalampak habang ako ay
Sumalaksak sa oportunidad
Ko tumanggap ng mga papuri
At pumalag sa mga papuge (prrrt)
Parte ka nga ng kupunan (woop)
Ang kaso nga lang utusan (woop)
Kunwari makabuluhan (woop)

Ang sarap mo naman kutusan
Mahangin ka man parang bintilador
Tatapakan kita parang silinyador
Patay ka pa rin pagkatama ng
Bakal na bala sa batak ko na tirador
Tira dito tira dun sarap tirahin ng tirador
Ang kakapal ng mukha kitang-kita na caricature
Impostor dinoktor puro pera-pera tol

Puro peram-peram pero walang meta-metaphor
Puro metamphetam-ewan buti pa kung nakadamo
Para wala nang away kahit sabihin pa kita ng putangina mo
Ugali ko 'to kung ako sayo walang pakialamanan
Tamaan ang dapat tamaan pakiramdaman

Pag gusto ko kailangan ko makuha
Kung 'di makuha aaralin ko na muna
Hindi 'to basta laro lang buhay ang nakataya
Kaya kung trip mong sumugal pumusta ka (pumusta ka)

Pag gusto ko kailangan ko makuha
Kung 'di makuha aaralin ko na muna
Hindi 'to basta laro lang buhay ang nakataya
Kaya kung trip mong sumugal pumusta ka (pumusta ka)

Pag gusto ko kailangan ko makuha
Kung 'di makuha aaralin ko na muna
Hindi 'to basta laro lang buhay ang nakataya
Kaya kung trip mong sumugal pumusta ka (pumusta ka)

Pumasa ka kaya sa pagsusulit
O bumagsak kaagad sa pagsusuri

Beliebteste Lieder von ABRA

Andere Künstler von Contemporary R&B