Kung 'Di Na Ako
Kitang-kita sa iyong mata na 'di na ako mahalaga
Ramdam ko sa 'yong mga hawak na mayro'n kang binabalak
Haplos na kay lamig tikom na mga bibig
Wala na ba talagang pag-ibig
Kung 'di na ako kung 'di na ako'ng magpapatibok ng puso mo
Paalam na paalam na
Kung 'di na ako kung 'di na ako ang dahilan
Ayoko na tayong mahirapan pa
Paalam na
Wala na'ng init ang iyong yakap mauudlot na ang mga pangarap
Mga halik na kay tamis hindi man lang dumadaplis
Sana 'di na magtagal kayanin ng dasal
Nasaan na ba ang pagmamahal
Kung 'di na ako kung 'di na ako'ng magpapatibok ng puso mo
Paalam na paalam na
Kung 'di na ako kung 'di na ako ang dahilan
Ayoko na tayong mahirapan pa
Paalam na
'Di na kita pililitin pa kung talagang ayaw mo na
Basta tandaan mo mahal kita
Hindi ka na kailangang mahirapan pa ako na lang
Malaya ka na
Oh
Kaya pa ba ipaglalaban pa ba
'Di pa nga nag-uumpisa sumuko ka na
Nasayang ang lahat tinapon mo na lang
Pinagsamahan nating dalawa binalewala oh
Kung 'di na ako kung 'di na ako'ng nagpapatibok ng puso mo
Paalam na paalam na
Kung 'di na ako kung 'di na ako ang dahilan
Ayoko na tayong mahirapan pa
Paalam na