Salamat Sa 'Yo

Balewalang pangarap
Kung sarili'y 'di nahanap
Nu'ng nadapa't naligaw sa kawalan
Tahanan kang nauwian
Dahilan ka nang pagbangon ko bawat umaga
Kung 'di kita kasama kulang

Narito ako ng dahil lang sa 'yo
Salamat nandito ka
Ang kapit ko'y 'di mo binitawan
Awit kong nanahan diyan sa puso mong
Bumuhay sa akin
Salamat salamat sa iyo

Salamat sa 'yo
Di nagpaanod sa hangin
Salamat sa 'yong
Matibay na hawak sa akin
Salamat sa 'yo
Hindi ka nang-iwan
Kay daming lumisan
Mga nagpaalam
Subalit ako'y sinamahan
Sa hirap nahanap kang abot kamay

Narito ako ng dahil lang sa 'yo
Salamat nandito ka
Ang kapit ko'y 'di mo binitawan
Awit kong nanahan diyan
Sa puso mong bumuhay sa akin
Salamat salamat sa iyo

Oh oh
Salamat sa yo

Narito ako ng dahil lang sa 'yo
Salamat nandito ka
Ang kapit ko'y 'di mo binitawan
Awit kong nanahan diyan sa puso mong
Bumuhay sa akin
Salamat salamat sa iyo (salamat salamat sa iyo)

Salamat sa iyo (salamat)
Salamat (salamat sa iyo salamat)
Ba't mo ko iniwan (salamat sa iyo salamat)
Oh (salamat sa iyo salamat salamat sa iyo salamat salamat sa iyo salamat)
Salamat sa iyo

Beliebteste Lieder von Angeline Quinto

Andere Künstler von Middle of the Road (MOR)