Minamahal Kita Pilipinas

Anthony Castelo

[Verse 1]
Minamahal kita, o, bayan kong Pilipinas
Sinisikap kong mabigyan ka ng bagong bukas
Iniibig kita, dinadalangin ka
Ang buhay ko'y alay sa 'yo, minamahal kita

[Verse 2]
Sumasapit na'ng hatinggabi, bayan kong sinilangan
Mga patak ng luha mo'y aking pinunasan
Iniibig kita, dinadalangin ka
Ang buhay ko'y alay sa 'yo, minamahal kita

[Verse 3]
Ika'y inakay ko sa 'yong bawat hakbang
Tinuro ko sa 'yo kung sa'n ang tamang daan
Sa'n man ako maparoon
Sa puso ko ika'y naroon

[Pre-Chorus]
Kita'y pinasasalamatan na ikaw ay napaglingkuran
Iginuhit ng tadhana, simula dulong silangan
Hanggang apat na sulok ng mundo
Ika'y gagalangin

[Chorus]
Dakila ka, o, bayan ko, Pilipinas
Kaharang ang mga bayani mong lumipas
Iniibig kita, pinaglalaban ka
Ang buhay ko'y alay sa 'yo, minamahal kita

[Outro]
Iniibig kita, pinaglalaban ka
Buong buhay ko'y alay sa 'yo, minamahal kita

Wissenswertes über das Lied Minamahal Kita Pilipinas von Anthony Castelo

Auf welchen Alben wurde das Lied “Minamahal Kita Pilipinas” von Anthony Castelo veröffentlicht?
Anthony Castelo hat das Lied auf den Alben “Pangarap Mo’y Makakamit” im Jahr 2020 und “Tuloy Ang Pagbabago!” im Jahr 2021 veröffentlicht.

Beliebteste Lieder von Anthony Castelo

Andere Künstler von