Ikot Ng Mundo [Theme Song from Anna Karenina]
Ang mundo ay hindi nga ba kay hiwaga
Mayroong saya at mayroon ding luha
May mga tanong na naroon sa isipan
Wala ang kasagutan
Bakit di malaman
Hindi natatapos ang ikot ng mundo
Araw-gabi tuloy pa rin sa pagtakbo
Buhay ay ganyan
Pag-isipan mo
Pagmamahal ang siyang
Ialay mo
Dapat na mabuhay sa katotohanan
Dahil sa mali walang paroroonan
Mas mapalad ka kung puso mo't isipan
Ay di nabubuhay sa kasinungalingan
Hindi natatapos ang ikot ng mundo
Araw gabi tuloy pa rin sa pagtakbo
Buhay ay ganyan
Pag-isipan mo
Pagmamahal ang siyang ialay mo
Hindi natatapos ang ikot ng mundo
Araw-gabi tuloy pa rin sa pagtakbo
Buhay ay ganyan
Pag-isipan mo
Pagmamahal ang siyang ialay mo
Pagmamahal ang siyang ialay mo