Araw

Danny Javier

Araw
Ikaw ang may dala ng liwanag
Sa sikat mong taglay
Nabubuhay
Wo-oh-oh wo-oh-oh
Tulad ka ng tangi kong mahal

Hangin
Ang tulad mo'y hinga ng malalim
Ang awit mo'y walang nililihim
Wo-oh-oh wo-oh-oh
Katulad ng aking pagmamahal

Isang danghal kaya't ganyan ang katotohanan
At hindi maglalaho ang pagmamahalan
Kapag nagkaganito
Itaga mo sa bato
At hindi mo na kailangan pang mangako

Dagat
Ang kalawakan mo'y nararapat
Walang katapusan ang hangganan
Wo-oh-oh wo-oh-oh
Katulad ng aking pagmamahal

Sana may ganyan
Ganyan ang katotohanan
Hindi maglalaho ang pagmamahalan
Kapag nagkaganito
Itaga mo sa bato
Di mo na kailangan pang mangako

Dagat
Ang kalawakan mo'y nararapat
Walang katapusan at hangganan
Wo-oh-oh wo-oh-oh
Katulad ng aking pagmamahal

Katulad ng aking pagmamahal
Katulad ng aking pagmamahal

Wissenswertes über das Lied Araw von APO Hiking Society

Wann wurde das Lied “Araw” von APO Hiking Society veröffentlicht?
Das Lied Araw wurde im Jahr 1982, auf dem Album “Twelve Years Together” veröffentlicht.
Wer hat das Lied “Araw” von APO Hiking Society komponiert?
Das Lied “Araw” von APO Hiking Society wurde von Danny Javier komponiert.

Beliebteste Lieder von APO Hiking Society

Andere Künstler von Asian pop