Mamahalin

Marahil ika'y nagtataka
Pareho tayong nag-iisa
Hanggang ngayon wala pa rin
Ni isang sinisinta

Saan na tayo pupunta
Saan na tayo uuwi
Kundi sa
Isat-isa

Mamahalin ng tulad ko ang tulad mo
Na laging sawi
Matuto tayong magmahal muli
At didibdibin ng puso ko ang puso mo
Magpakailanman giliw
Ang puso ko ay hindi magbibitiw

Siguro ikaw ay nabigla
Sa katotohanang bumulaga
Huwag pigilin ang luha
Kung sa tuwa nagmumula

Hindi kita pipilitin (hindi kita pipilitin)
Ako'y iyong mahalin (iyong mahalin)
Sana lang (sana lang)
Iyong dinggin

Mamahalin ng tulad ko ang tulad mo (mamahalin)
Na laging sawi
Matuto tayong magmahal muli
At didibdibin ng puso ko ang puso mo (didibdibin)
Magpakailanman giliw (magpakailanman giliw)
Ang puso ko ay hindi magbibitiw

Sana lang maniwala
Sana lang manalig ka
Na tayong dalawa'y (ha)
Sinumpa ng tadhana

Mamahalin ng tulad ko ang tulad mo (mamahalin)
Na laging sawi
Matuto tayong magmahal muli
At didibdibin ng puso ko ang puso mo (didibdibin)
Magpakailanman giliw (magpakailanman giliw)
Ang puso ko ay hindi magbibitiw (oh mamahalin)
Oh

Wissenswertes über das Lied Mamahalin von Ariel Rivera

Wann wurde das Lied “Mamahalin” von Ariel Rivera veröffentlicht?
Das Lied Mamahalin wurde im Jahr 2003, auf dem Album “In My Life” veröffentlicht.

Beliebteste Lieder von Ariel Rivera

Andere Künstler von Pinoy pop