Kung Ako'y Mag-Aasawa

Juan Silos, Nacario Ramos

Kung ako'y magaasawa ganda ng puso ang ibig ko
At ako'y handa sa hirap maging tuyo man ang ulam ko
Ibig ko'y mapagpatawad kahit kung minsa'y mali ako
Di ko ibig ang seloso gabit araw nanggugulo

Ang ibig ko sa lalaki ay laging mapagmahal
Ayaw ko sa barumbado na agad nambubuntal
Ibig ko ay karinyoso at laging romantiko
Yan ba'y kaya mong idulot sa king puso sabihin mo

Ay daig ay 'yong pangarap kung ang pag-ibig ay nais mo
Gigiliwin kang parati sa bawat oras o buhay ko
Susuyuin ka sa twina kahit ikaw ay nagtatampo
At ano man ang 'yong utos ay buong pusong susundin ko

Papaypayan kita giliw bubugawan ng lamok
Susubuan sa pagkain di tuyo kundi manok
Maghapon kang aawitan at di ka malulungkot
Kung gabi'y ipaghehele na parang beybing inaantok

Kung nagmamahal ang puso ay maramdamin kaylan pa man
Yan ang dapat mong malaman at wag limutin ngayon pa lang
Ang ibig ko sa asawa ay ako lamang and titingnan
Ayaw ko pag may dalaga na masalubong susulyapan

Bakit ba ibang babae ang hahanapin upang tingnan
Kung ang kariktan mo giliw ang siya din laging gustong ibig masdan
Pipikit ako sa kalye habang kita ay namamasyal
Kahit na akoy mahulog sa bawat butas ng imburnal

Kung ako'y mag-aasawa ikaw na giliw ang ibig ko
Na maging kabiyak ng puso sa bawat araw ng buhay ko
Sa gayo'y anong ligaya ang daranasin sa piling mo
Kung ito pag-aasawa maging mapalad dahil sa yo
Manalig ka
O giliw ko
Manalig ka (oh)
O giliw ko

Wissenswertes über das Lied Kung Ako'y Mag-Aasawa von Asin

Wer hat das Lied “Kung Ako'y Mag-Aasawa” von Asin komponiert?
Das Lied “Kung Ako'y Mag-Aasawa” von Asin wurde von Juan Silos, Nacario Ramos komponiert.

Beliebteste Lieder von Asin

Andere Künstler von