TALINGHAGA [feat. Acel, Lougee Basabas-Alejandro & Hannah Romawac]

Acel ., Hannah Romawac, Aia De Leon, Kitchie Nadal, Lougee Basabas - Alejandro, Barbie Almalbis

Ah tanging ikaw lamang

Matalinghaga man ang paglubog ng araw
Wala pa ring papantay sa 'yo
Mayumi man ang buwan sinubukan akong itahan
Iba pa rin ang hele ng duyan mo

Tuloy-tuloy lamang umiikot ang mundo dahil sa 'yo
Tuloy-tuloy lamang dumadaloy ang katapatan mo

Yah Yahweh
Yah Yahweh

Binubulong ng hangin ang aking panalangin
Lahat ito'y pinapakinggan mo (pinapakinggan mo)
Iniiyak ng ulan ang luha at damdamin
Binubuo muli ang puso ko (binubuo muli ang puso)

Tuloy-tuloy lamang ang papuri ng mga likhain mo
Tuloy-tuloy lamang aawit at sasamba sa 'yo

Sa 'yo
Sa 'yo
Sa 'yo
Sa 'yo
Sa 'yo

Yah Yahweh
Yah Yahweh (Yahweh)
Yah Yahweh tanging ikaw lamang (yah Yahweh)
Yah Yahweh sa iyo ang karangalan (yah Yahweh)
Matalinghaga ka ama sa iyo ang karangalan (yah Yahweh)

Sa lupa man babalik sa langit ako'y papanhik

Beliebteste Lieder von Barbie Almalbis

Andere Künstler von Pop rock