Lunod [(Acoustic Performance from The Pebble House)]
Nalulunod sa pangangamba
Puno na ang baga pasuko ka na
Sa'n ka kakapit kung malalim na
Ang sabi ay arte lang 'yan
Wooh
Nalulunod sa pangangamba
'Di mo alam kung may pangtustos pa
Nagkaubusan na sa pangmedisina
Ang sabi'y bahala ka na
Ang pagkakalunod ay nararanasan mo na ba
Sana'y makaahon ka 'pagkat kailangan ka nila
Nalulunod sa pangangamba
Mga parusang 'di humuhupa
Sa'n ka kakapit kung malalim na
Ang sabi'y mababaw lang 'yan
Ang pagkakalunod ay nararanasan ng iba (pagkakalunod nararanasan)
Sana'y makaahon ka 'pagkat kailangan ka nila hmm
Nalulunod sa pangangamba (woah)
Dahan-dahan ako'y lalangoy na
Ooh sisisirin hanggang makarating ka
Sa ginhawang itinadhana
Sa ginhawang itinadhana
'Di na muling malulunod pa (woah)