Nakikinig Ka Ba Sa Akin
One two one two
Sasalubungin kita sa dulo ng 'yong galit
Uunawain kita para 'di tayo maging
Epidemyang 'di matapos-tapos sugpuin
O problemang 'di makita sa'n ang salarin
Tayo ba ay naging makasarili
Sarado ba'ng tenga sa mga hiling
Nakikinig ka ba sa akin
Hindi kita gustong awayin
Pareho ang ating hangarin
Ang kadiliman ay basagin
Kung mayro'n kang pupurihin
Sige lang gawin mo 'yan
Kung mayro'n kang babatikusin
Sige lang gawin mo 'yan
Mahalaga'y bawat isa'y mapakinggan
Nakikinig ka ba sa akin
Hindi kita gustong awayin
Pareho ang ating hangarin
Ang kadiliman ay basagin
Patawad na sa pagkukulang
Naririnig kita
Nakikinig ka ba sa akin
Hindi kita gustong awayin
Pareho ang ating hangarin
Ang kadiliman ay basagin
Nakikinig ka ba sa akin
Ang bukas ay ating yakapin
Pareho ang ating hangarin
Ang kadiliman ay basagin
Nakikinig ka ba (sasalubungin kita)
Nakikinig ka ba (sa dulo ng 'yong galit)
Nakikinig ka ba (uunawain kita)
Nakikinig ka ba (para 'di tayo maging)
Sasalubungin kita sa dulo ng 'yong galit