Panahon

Mathew Rey Chang of FlipMusic, Julius James “Jumbo” De Belen of FlipMusic, Julius James "Jumbo" De Belen of FlipMusic, Bojam of FlipMusic

Bigyan mo ng panahon
Bigyan mo ng panahon

Napapaisip na kung tama bang ginagawa
Kasi bale napakarami nang sablay at aray na nagyayari

Hindi na makaisip wala ng mapaglalagyan
Litung-lito, gulung gulo na na nanaig ang alinlangan

Ipagpaliban wag mong sukuan
Mangyayari din lahat ng dapat na mangyari
Humingang malalim tumingin sa akin
Kasama mo ako di ka mabibigo

Bigyan mo ng panahon
ang pagkakataon at tadhana na ipinta
Ang larawan kung saan dito sa mundong ito
Mapapagtanto katangi-tangi’t nagiisa
walang katulad
Ikaw ay mahalaga

Bigyan mo ng panahon
Bigyan mo ng panahon
Ikaw ay mahalaga

Wag kang magalala nandito ko para sayo
Malapit na magsasasabing sumandal ka sakin mo ibaling
Ang iyong nararamdaman di kita iiwan
Sasamahan ka hanggang magumaga
Sakin ka muna magpahinga

Ipagpaliban wag mong sukuan
Mangyayari din lahat ng dapat na mangyari
Humingang malalim tumingin sa akin
Kasama mo ako di ka mabibigo

Bigyan mo ng panahon
ang pagkakataon at tadhana na ipinta
Ang larawan kung saan dito sa mundong ito
Mapapagtanto katangi-tangi’t nagiisa
walang katulad
Ikaw ay mahalaga

Bigyan mo ng panahon
Bigyan mo ng panahon
Ikaw ay mahalaga

Mahalaga madalas mong sabihin sa iba
Pero bakit pag ikaw hirap kang maniwala
Biglang tatawa akala mo biro at hindi totoo ang sinasabi sa iyo
Nandito lang ako na parating magpapaalala sayo hindi ka nagiisa
hindi ka iba
karapat-dapat sa mga bagay na gusto mong matupad
Makamit , maabot, hindi man ngayon
HIndi man umaayon sandali’t panahon (NATE on harmony)
Nandito lang ako sa tabi mo sandal ka sakin at sabay nating haharapin ang bawat suliranin

Bigyan mo ng panahon
ang pagkakataon at tadhana na ipinta
Ang larawan kung saan dito sa mundong ito
Mapapagtanto katangi-tangi’t nagiisa
walang katulad
Ikaw ay mahalaga

Bigyan mo ng panahon
Bigyan mo ng panahon

Wissenswertes über das Lied Panahon von BGYO

Wann wurde das Lied “Panahon” von BGYO veröffentlicht?
Das Lied Panahon wurde im Jahr 2022, auf dem Album “Be Us” veröffentlicht.
Wer hat das Lied “Panahon” von BGYO komponiert?
Das Lied “Panahon” von BGYO wurde von Mathew Rey Chang of FlipMusic, Julius James “Jumbo” De Belen of FlipMusic, Julius James "Jumbo" De Belen of FlipMusic, Bojam of FlipMusic komponiert.

Beliebteste Lieder von BGYO

Andere Künstler von Asiatic music