Maling Akala

Raimund Marasigan, Ely Buendia

May mga kumakalat na balita
Na ang misis ni kuwan ay madaling makakuha
Bago maniwala mag-isip-isip ka muna
Marami ang namatay sa maling akala

Nung ako'y musmos pa lamang ay takot sa multo
Nung ako'y naging binata sa erpat ng syota ko
Ngayong may asawa at mayron ng pamilya
Wala namang multo ngunit takot sa asawa ko

Di mo na kailangang magalinlangan
Kung tama ang gagawin mo
Basta't huwag kalimutang magdahan-dahan
Kung di sigurado sa kalalabasan
Kalalabasan ng binabalak mo

Maliit na butas lumalaki konting gusot dumarami
Hindi mo maibabaon sa limot at bahala
Kapag nabulag ka ha ng maling akala

Nasa'n na ba ako
Kaninong kama to
Ilang ulit na bang nagigising sa ibang kwarto
Naglayas sa bahay akala madali ang buhay
Ngayon ay nagsisi dahil di nakapagtapos

'Di mo na kailangang magalinlangan
Kung tama ang gagawin mo
Basta't huwag kalimutang magdahan-dahan
Kung 'di sigurado sa kalalabasan
Kalalabasan ng binabalak mo

Maliit na butas lumalaki konting gusot dumarami
Hindi mo maibabaon sa limot at bahala
Kapag nabulag ka ha

May mga kumakalat na balita
Na ang kaligtasa'y madaling makuha
Bago maniwala mag-isip-isip ka muna
Marami ang namatay sa maling akala
Sa maling akala oh yeah

Sa maling akala (maliit na butas lumalaki)
Sa maling akala (konting gusot dumadami)
Maliit na butas lumalaki konting gusot dumarami
Maliit na butas lumalaki konting gusot gumagrabe
Hindi mo maibabaon sa limot at bahala
Kapag nabulag ka ha
Ng maling akala

Wissenswertes über das Lied Maling Akala von Brownman Revival

Wann wurde das Lied “Maling Akala” von Brownman Revival veröffentlicht?
Das Lied Maling Akala wurde im Jahr 2005, auf dem Album “Steady Lang” veröffentlicht.
Wer hat das Lied “Maling Akala” von Brownman Revival komponiert?
Das Lied “Maling Akala” von Brownman Revival wurde von Raimund Marasigan, Ely Buendia komponiert.

Beliebteste Lieder von Brownman Revival

Andere Künstler von Asiatic music