Taguan

Parang napapansin nila ang ibang
Mga tinginan ng pagsusuyuan
Hanggang kailan tayo magtatago

Pag tayo lamang dalawang malambing
Pag may iba 'di na lang makatingin
Oh para lang tayong naglalaro

Dapat bang aminin na tungkol sa 'ting dalawa
Ano nga bang iyong kinakatakot
Hindi pa rin papayag ang iba

Parang ang tagal nang ganito ooh whoa oh
Ang nais lang naman ay sana
'Di na palihim sa t'wing kasama

Mayakap ka nang madiin
Na para kaya na tayo sa katapusan
Itigil na ang taguan

Madami nang tila'y naguguluhan
Tayo ba raw ay nagkakahulugan
Gusto nang sumagot nang totoo

Pag 'di kasama laging nasasabik
T'wing aalis hinahanap pabalik
Paano ba tayo magtatago

Dapat bang aminin na tungkol sa 'ting dalawa
'Di na dapat na tayo ay matakot
Baka sakaling payag na sila
Dahil ang tagal nang ganito whoa

Ang nais lang naman ay sana
'Di na palihim sa t'wing kasama
Mayakap ka nang madiin
Na para kaya na tayo sa katapusan
Itigil na ang taguan

Tama ba si kupido
Noong pinana tayo sa larong ito
Oh dinadaya natin ang magpakailan pa man
Itigil na ang taguan
Oh hmm

Ang nais lang naman ay sana (oh)
'Di na palihim sa t'wing kasama
Mayakap ka nang madiin
Na para kaya na tayo sa katapusan (oh)
Itigil na ang taguan

Tama ba si kupido (tama)
Noong pinana tayo sa larong ito
Oh dinadaya natin ang magpakailan pa man
Itigil na ang taguan

Beliebteste Lieder von Bryan Termulo

Andere Künstler von Television series