Gandang Sinauna At Sariwa

Jandi Arboleda, Norman Agatep, Fr. Manoling Francisco SJ, Fr. Vic Baltazar SJ

Kay tagal bago kita minahal
Gandang sinauna at sariwa
Tapat kang nanahan sa 'king kalooban
Ngunit hinahanap pa rin kahit saan

Kay tagal bago kita minahal
Gandang sinauna at sariwa
Ako'y nagpabihag sa likha mong tanan
Di ko akalaing ikaw pala'y nilisan (di ko akalaing ikaw)

Ako'y tinawagan mula sa katahimikan
Pinukaw mo ang aking pandinig
Biglang luminaw ang awit ng daigdig

Kay tagal bago kita minahal
Gandang sinauna at sariwa
Tapat kang nanahan sa 'king kalooban
Ngunit hinahanap pa rin kahit saan (ngunit hinahanap pa rin)

Ako'y inilawan mula sa 'king kadiliman
Minulat mo aking mga mata
Biglang luminaw tanglaw ko sa tuwina

Kay tagal bago kita minahal
Gandang sinauna at sariwa
Ako'y nagpabihag sa likha mong tanan
Di ko akalaing ikaw pala'y nilisan ah

Kay tagal bago kita minahal
Gandang sinauna at sariwa
Akong nilikha mo uuwi rin sa 'yo
Ako'y papayapa lamang sa pilin mo

Wissenswertes über das Lied Gandang Sinauna At Sariwa von Bukas Palad Music Ministry

Wann wurde das Lied “Gandang Sinauna At Sariwa” von Bukas Palad Music Ministry veröffentlicht?
Das Lied Gandang Sinauna At Sariwa wurde im Jahr 1997, auf dem Album “The Best of Bukas Palad, Vol. 1” veröffentlicht.
Wer hat das Lied “Gandang Sinauna At Sariwa” von Bukas Palad Music Ministry komponiert?
Das Lied “Gandang Sinauna At Sariwa” von Bukas Palad Music Ministry wurde von Jandi Arboleda, Norman Agatep, Fr. Manoling Francisco SJ, Fr. Vic Baltazar SJ komponiert.

Beliebteste Lieder von Bukas Palad Music Ministry

Andere Künstler von Worship