Di Na Babalik

Oh lika na lika na
Damhin ang hangin sa iyong labi
Humikbing sa piling
At hiling ko'y magbalik ng tamis na sandali
Lika na lika na
Ika'y dadalhin sa mga bituin
Na na na 'yoko mag isa la la la lapit ka
Na na na na ah la la la la ah

Oy ha kumusta naalala mo pa ba
Nung tayong dalawa'y pinaglayo ng kapalaran
Habang hawak hawak ko ang naiwan mo na larawan
Papunta sa dalampasigan ito ay nagsisilbing tahanan
Natin dalawa
Kahit na mata mo'y nakatingin na sa iba kakaiba panlasa mong binuga
Sukang suka ko sa mga tinalikuran ko ng
Kahapon di na naglaon tayong tinangay na pala ng alon (hinahanap ko ay ikaw pangarap ko'y naligaw)

Lika na lika na
Damhin ang hangin sa iyong labi
Humikbing sa piling at hiling koy magbalik ng tamis na sandali
Lika na lika na
Ika'y dadalhin sa mga bituin
Na na na 'yoko mag isa la la la lapit ka
Na na na na ah la la la la ah

Naging madalim ang bahaghari
Makulay na storya nating dalawa'y naging kunwari
Ako ay binalot ng poot nasa huli
Nasayang di na dapat inalam
Ang kumusta ay paalam
Paalam sa walang hanggan
Tatlong taon kitang hinanap
Nagtatago sa sa ulap
Kailan kaya kita mahahagilap
Hanggang saan ko itatago ang huli mong sulat
Na nagsasabi na
Mahal kita mag ingat ka hihintayin kita

Lika na
Damhin ang hangin sa iyong labi
Humikbing sa piling
At hiling ko'y magbalik ng tamis ng sandali
Na na na yoko mag isa la la la lapit ka
Na na na nais ka la la la lapit ka yeah

Beliebteste Lieder von Calvin De Leon

Andere Künstler von Contemporary R&B