Kung Kita'y Kapiling

Constancio de Guzman

Giliw ano't di ka kumikibo
Ngayong naghihingalo na yaring puso
Dahil sa aking pagsuyo
Na di mo pinansin
At iyong binayaang
Masiphayo

Kung kita'y kapiling (kung kita'y kapiling)
Ay nalilimutan (ay nalilimutan)
Ang mga pasakit
At dusang tinataglay

Sa lahat ng oras (sa lahat ng oras)
Ikaw ang pangarap
Ng abang bihag mong
Lagi nang nasa hirap (nasa hirap)

Bakit aking giliw
Di mo pa lingapin
Ang naghihintay
Ng awa mo at pagtingin (at pagtingin)

Isinusumpa ko
Kahit na pumanaw
Ikaw ang irog ko
Hanggang sa hukay

Bakit aking giliw
Di mo pa lingapin
Ang nahihintay
Ng awa mo at pagtingin (at pagtingin)

Isinusumpa ko
Kahit na pumanaw
Ikaw ang irog ko
Hanggang sa hukay

Wissenswertes über das Lied Kung Kita'y Kapiling von Celeste Legaspi

Wann wurde das Lied “Kung Kita'y Kapiling” von Celeste Legaspi veröffentlicht?
Das Lied Kung Kita'y Kapiling wurde im Jahr 2014, auf dem Album “Bagong Plaka, Lumang Kanta, Vol. 1” veröffentlicht.
Wer hat das Lied “Kung Kita'y Kapiling” von Celeste Legaspi komponiert?
Das Lied “Kung Kita'y Kapiling” von Celeste Legaspi wurde von Constancio de Guzman komponiert.

Beliebteste Lieder von Celeste Legaspi

Andere Künstler von Asian pop