Pag-Ibig Na Kaya

'Di na maalala
Pa'no nagsimula
Ikaw ang laging nasa isip ko bawat araw
Laging ikaw ang nakita
Ano ba ang nadarama ko tuwing ikaw ay kasama

Ganyan din ang nadarama ko
Tuwing ika'y lalapit sa akin
Ako'y parang natutulala (natutulala)
'Di ko malaman ang sasabihin ko (sasabihin ko)

Pag-ibig na kaya
Pareho ang nadarama
Ito ba ang simula
'Di na mapipigilan
Pag-ibig na ito
Sana'y 'di matapos ang nadaramang ito

Pag-ibig na kaya ito oh (pag-ibig na kaya ito)

Pagkat nararamdaman
Pag-ibig ating natagpuan oh

Malalaman mo lamang
Ang nararamdaman
Kung ako ay magiging ikaw
Damdamin nati'y magsama

Laman ng puso ko'y ganyan din
Ikaw ay narito na sa akin
'Di ko hahayaang mawalay
Dito ka sa aking piling

Pag-ibig na kaya
Pareho ang nadarama
Ito ba ang simula
'Di na mapipigilan
Pag-ibig na ito
Sana'y 'di matapos ang nadaramang ito

Pag-ibig na kaya ito (pag-ibig na kaya ito)
Pagkat nararamdaman
Pag-ibig natagpuan

Gagawin lahat (gagawin lahat)
Upang 'di magkalayo (upang 'di magkalayo)
Dito lang ako
'Di kita iiwan
Kahit sandali 'di ko papayagan
Mawalay ka sa akin

Pag-ibig na kaya
Pareho ang nadarama
Ito ba ang simula
'Di na mapipigilan
Pag-ibig na ito
Sana'y 'di matapos ang nadaramang ito

Pag-ibig na kaya ito oh (pag-ibig na kaya ito)

Pagkat nararamdaman
Pag-ibig ating na natagpuan oh

Beliebteste Lieder von Christian Bautista

Andere Künstler von Pop