Walang Duda

Angelo Luigi Timog, HeyRick

Hindi man kita kasamang tumanda
Wala pa ring nagbabago
Mahal mo pa rin ako
Ngayon alam ko na kung bakit
Mahalin mo ako ay walang duda
Para sa ‘yo dahil ganu’n din pala
Ang gagawin ko sa anak ko

Noon nung ako'y bata
Katabi ka pa sa kama
Tinuruan mo ‘ko sa lahat
‘Di mo pinapakitang mabigat
Na ‘yung pasan
Lagi mong ginagawan ng paraan

Nakangiti kahit alam ko nang
Mahirap ang ating pinagdaanan
Ma, lagi mo lang tatandaan
Na mahal kita nasa’n ka man

Hindi man kita kasamang tumanda
Wala pa ring nagbabago
Mahal mo pa rin ako
Ngayon alam ko na kung bakit
Mahalin mo ako ay walang duda
Para sa ‘yo dahil ganu’n din pala
Ang gagawin ko sa anak ko

Kapag nalulungkot ka na
Isipin mo lang
Lahat ng mabuting nangyari sa ‘tin

Hindi pa naman ‘to ‘yung huli
Alam kong ika'y babalik ulit
Para sa ‘min
At para yakapin ka nang mahigpit

Ma, lagi mo lang tatandaan
Na mahal kita nasa’n ka man
Mahal kita nasa’n ka man

Hindi man kita kasamang tumanda
Wala pa ring nagbabago
Mahal mo pa rin ako
Ngayon alam ko na kung bakit
Mahalin mo ako ay walang duda
Para sa ‘yo dahil ganu’n din pala
Ang gagawin ko sa anak ko

Andere Künstler von Asian hip hop