Walang Yamang Mas Hihigit Sa Iyo

Ano ba ang hanap mo
Pwede bang katulad ko ang ibigin mo
'Di mo na kailangan pang pumunta
Sa dulo ng walang hanggan
Para sumaya

Ipikit mo lang ang iyong mata
Ang puso mo makakakita
Ng yamang 'di inaasahan

Ika'y ginto sa puso ko
Sana ito'y malaman mo
Wala nang yaman sa mundo
Ang mas hihigit sa 'yo
Wala nang hahanapin pa
Sa 'yo ako'y kuntento na
Sana'y malaman mo ito
Walang yamang mas hihigit sa 'yo

Iwan mo na ang nagdaan
Matutong 'wag muling
Masaktan ang damdamin
Ako'y iyong pansinin

'Di man ako tulad nila
Walang porma walang pera
Pero mahal kita
Ika'y mahalaga
At iingatan pa

Ipikit mo lang ang iyong mata
Ang puso mo makakakita
Ng yamang 'di inaasahan

Ika'y ginto sa puso ko
Sana ito'y malaman mo
Wala nang yaman sa mundo
Ang mas hihigit sa 'yo
Wala nang hahanapin pa
Sa 'yo ako'y kuntento na
Sana'y malaman mo ito

Walang yamang mas hihigit sa 'yo (walang yamang mas hihigit sa 'yo)
Mas hihigit sayo (walang yamang mas hihigit sa 'yo)

Beliebteste Lieder von Cueshe

Andere Künstler von Pop rock