Tanging Hiling [Pt. 2]

Itong awitin na 'to ay inaalay namin
Sa lahat ng nagmamahal na ayaw malayo sa kanilang mga sinisinta
Alam ko nararamdaman mo kaya sana pakinggan mo ' to

Sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang mga katangian mo
Sarap ng iyong haplos lambing ng boses mo
Mga bakas na iniwan mo sa akin ay nagdulot ng kakaibang saya
Di ko namalayan na ikaw na pala ang gusto ko makasama sa paglipas ng panahon
Sana di na mawala pa sa piling ko ang hiling ko sana tayo na talagang dalawa
Wag kang mag alala mag dadalawang isip sa akin na pagkat sa 'kin ka at ako'y sa 'yo
At di na hahayaan na sa akin ay mawala ka
Pagkat di ko makakaya na mabuhay ng wala sa tabi mo
Lagi kong sinasabi sa sarili ko na ikaw lang ang makakagamot sa puso kong sugatan
Nagtutugma ang langit at lupa at boses ko na kusang dumidikit kasabay na tutupi puso ko
Isa lamang ay ang layunin at iya'y maibigay lahat ng sa 'kin sa 'yo
Oo mapadama ko ng husto sayo pagibig ko na totoo ibibigay iyong gusto
Kahit na ano pa mahirapan man ako lahat ng utos mo ay susundin kahit na
Mag muka akong tanga pagkat ikaw ang nagsisilbing bituin
Nagbibigay liwanag sa madalim kong mundo mahal

Sa 'yo lang ako nagka gan'to dito sa puso ko (oh aking sinta)
Di ko man sadya na ibigin ka (di ko sinadya na ibigin ka)
Ikaw lang aking tanging hiling (aking tanging hiling)
Ikaw ang dahilan kung ba't nabuhay ako sa mundong ito (oo ikaw oo ikaw sinta)
Sa 'yo ko nakita ang tunay na kahulugan ng pag-ibig (sadyang mahiwaga)
Oo ikaw ang aking tanging hiling (aking tanging hiling)

Laging nais kitang makasama makasama kita yang yan ang laging nais
Tanging kahilingan kanyang hangad lagi kong tinatangi basta lamang maiguhit ng mga lapis
Ang mga bagay na satin dalawa na palaging sa panaginip masisilayan pantasya
Na mahiwaga nababalot at gusto ko sana maituwid sa mundo na katotohanan na
Ikaw ay di na muli mawala piling ko manatili ka habang panahon ka laging nandyan
Ka kakapangarap nagtangka sa akin na gumulo asahan mo di ako magsasawa sa 'yo
Pagkat ikaw ay akin lamang sayo lamang ako sana ay ikaw na talaga ang
Tinakda na mapasa 'kin isang natatanging babae na kaba ng puso ko
Ikaw lamang hanggang wakas
Kung para satin dalawa di na malayong di mapupunta sakin na dumalangin madalas
Sayo lang talga naman kasi ako nag ka ganto lumipad ang isip
Tumalon ang puso huminto ang mundo hindi ko kakayanin na ikaw ay
Mawala ng tuluyan sakin na lumayo hindi ko kakayanin na mag isa na lang
Sa gitna ng kuwento natin sabay natin binuo

Sa 'yo lang ako nagka gan'to dito sa puso ko (oh aking sinta)
Di ko man sadya na ibigin ka (di ko sinadya na ibigin ka)
Ikaw lang aking tanging hiling (aking tanging hiling)
Ikaw ang dahilan kung ba't nabuhay ako sa mundong ito (oo ikaw oo ikaw sinta)
Sa 'yo ko nakita ang tunay na kahulugan ng pag-ibig (sadyang mahiwaga)
Oo ikaw ang aking tanging hiling (aking tanging hiling)

Ikaw ang tanging hiling ko ikaw ang tanging ligaya ko
Ikaw ang babae na muling nagpaikot saking mundo
Sana di ka magbabago di na maglalaho oo ikaw ikaw ikaw
Di ko na kailangan pang lumingon sa kahit kanino man
Tingin mo pa lang ako ay hinatid sa kalangitan
Sa dami ng bisyo ko ikaw ang nakaadikan
Inaabot ng magdamag na kasama ka kahit sa amin mapagalitan
Dumaan ang mga tala dito'y humiling ako
At sa 'yo ko lang to masasabi kung tatanungin mo 'tong nilalaman ng puso ko
Kung mamarapatin mo mahal nga kasi kita alam mo ba nung una tayong pinagtagpo
Dumaan ang tala't humiling ako at sa 'yo ko lamang masasabi 'to ikaw ang tanging hiling

Sa 'yo lang ako nagka gan'to dito sa puso ko (oh aking sinta)
Di ko man sadya na ibigin ka (di ko sinadya na ibigin ka)
Ikaw lang aking tanging hiling (aking tanging hiling)
Ikaw ang dahilan kung ba't nabuhay ako sa mundong ito (oo ikaw oo ikaw sinta)
Sa 'yo ko nakita ang tunay na kahulugan ng pag-ibig (sadyang mahiwaga)
Oo ikaw ang aking tanging hiling

Beliebteste Lieder von Curse One

Andere Künstler von Asiatic music