Pagbigyang Muli [From Lyric and Beat Vol 2]

Muli ay 'yong pagbigyan ako'y nagkamali
Muli ay 'yong patawarin ako'y nagsisisi
Alam kong ako'y nangakong 'di na mauulit pa
Ako'y nagkamali sa'yo muli ay patawarin mo

Ako ba'y 'yong yayakapin
Nakaraa'y kayang limutin
Magtiwalang muli mahalin mong muli
Magbalik ka sa'kin

'Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling
'Di ko kakayanin 'pag nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin
'Di kayang mag-isa gustong kasama kita
Sa'yo lang ang pag-ibig ko
Magtiwalang muli ito na ang huling pagkakamali
Pag-ibig ko'y muling tanggapin

Muli ay 'yong pagbigyan pag-ibig natin
Sabihin mo sa akin ang 'yong gusto'y susundin
Magtiwalang 'di sinasadyang maging 'di tapat sa'yo
Nakalimot nga ako nangyari'y 'di ginusto

Ako pa ba'y kayang yakapin
Ang init ng halik sa akin kaya bang ibalik
Dama ang bawat saglit ng sakit
Ngayong wala ka na

'Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling
'Di ko kakayanin 'pag nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin
'Di kayang mag-isa gustong kasama kita
Sa'yo lang ang pag-ibig ko
Magtiwalang muli ito na ang huling pagkakamali
Pag-ibig ko'y

Muling tanggapin muling mahalin
'Di kakayaning ika'y mawala sa'king piling
Muling mahalin ika'y magbalik magtiwalang muli
Muling ibalik ang pag-ibig na dati'y sa atin
'Pagkat

'Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling
'Di ko kakayanin 'pag nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin
'Di kayang mag-isa gustong kasama kita
Sa'yo lang ang pag-ibig ko
Magtiwalang muli ito na ang huling pagkakamali
Pag-ibig ko'y muling tanggapin

Muling tanggapin
Muling tanggapin
Muling tanggapin

Beliebteste Lieder von Darren Espanto

Andere Künstler von Asiatic music