Paratingin Mo Na Siya

Paratingin mo na siya sige na Lord (para papap)

Ilang kasal na ba ang aking napuntahan
Ilang pag-iisang dibdib na bang nasaksihan
Yung iba kaibigan kakilala estranghero
Lahat sila tila 'di mauubusan ng pag-ibig

Ang titig sa isa't isa
Parang bottomless iced tea ang kilig
Para bang gusto mo nang maniwalang
May naghihintay na tunay

Pag-ibig na pang habangbuhay na talaga
Kaya ko isinulat 'tong awitin
Panalangin ko diyan sa itaas
Kung pwede po bang pagtagpuin nyo na ang aming landas
Ayoko nang mag-isa
'Di na ko bumabata
Kaya kung pwede pong hilingin ko nang

Paratingin mo na siya sige na Lord (para papap)
Paratingin mo na siya sige na Lord (para papap)
Paratingin mo na siya sige na Lord
Sawa na sa pagkabinata
Handa na ang puso kong makilala siya
Para-pap-pap para paratingin mo na siya (para papap)
Paratingin mo na sya (para papap)
Ang tagal tagal naman

Bigyan mo naman ako ng sign
Nagkita na ba kami
Nagkasalubong 'di ko napansin nung sintas ko ay itali
Nakasakay ko na ba sa bus sa jeep sa MRT kaya
O baka naman kung saan-saan pa naghahanap (oh baka naman kung saan-saan)

Eh hawak ko na pala
Pero binitawan ko pa
Ngayon ay hawak na ng iba (may jowa ng iba)
'Yan tuloy ako nganga

Kung tunay nga ang destiny
Di na ko mapakali
Dali na please
Dinggin nyo po ang sinulat kong awiting
Panalangin ko diyan sa itaas
Kung pwede po bang pagtagpuin nyo na ang aming landas
Ayoko nang mag-isa
'Di na ko bumabata
Kaya kung pwede pong hilingin ko nang

Paratingin mo na siya sige na Lord (para papap)
Paratingin mo na siya sige na Lord (para papap)
Paratingin mo na siya sige na Lord
Sawa na sa pagkabinata
Handa na ang puso kong makilala siya
Para-pap-pap para paratingin mo na siya

Ang tagal naman nya Lord
Matraffic ba
Ayoko na kasing humanap ng iba
Quota na sa mga sablay
Kaya kung pwede pong hilingin ko nang

Paratingin mo na siya sige na Lord (para papap)
Paratingin mo na siya sige na Lord (para papap)
Paratingin mo na siya sige na Lord
Sawa na sa pagkabinata
Handa na akong makilala siya
Para-pap-pap para paratingin mo na siya
Para-pap-pap para paratingin mo na siya (para papap)
Paratingin mo na siya sige na Lord (para papap)
Paratingin mo na siya sige na Lord

Beliebteste Lieder von Davey Langit

Andere Künstler von Pinoy pop