Alam Ko Na

Denise Pimping, Jan Emerson Magtoto, Jefferson T. Buenviaje, Emmanuel Salen

Nangingibabaw ang ‘yong enerhiya
Kahit na marami pang iba
Aking nais na mahatak
Tanging ang iyong mata, baby

Dapat bang lapitan ka
O pigilan ang nadarama
‘To na ba una’t huli kong tsansa (hey)
Kahit na hindi ka pa kilala
‘Pag nand’yan parang lahat ay tama
Anong kasalukuyan na iniisip
Ibig kong makapasok sa iyong mundo
Nang walang ibang gumugulo
Nang bigla kang lumapit sa ‘kin

Isa lang ang gusto kong malaman
Handa ka bang sumama kahit sa’n man abutan
Bagay na ramdam kahit walang salitaan, yeah
Kahit ‘di mo na sabihin pa
Baby ay alam ko na

Sa titig mo alam ko na
Kahit ‘di ka na magsalita
Kitang-kita sa mata
Awra mo dama
Saktong nagtugmaan tayong dalawa

Papalagpasin pa ba natin ‘to
Kung gusto ko ‘yung gusto mo
Tara gawin natin ‘yung dapat
Wala dapat makaawat
Ituloy mga binabalak
Sa kamay ko ay humawak
Sa kalawakan ang biyahe
Ang bilis ng mga nangyari
Swabe wala nang masabi, hinto

At kung sakaling maulit mga ganitong klaseng tagpo
Sana makilala mo pa rin ako
Alam mo na
(Sa kalawakan ang biyahe
Ang bilis ng mga nangyari
Swabe wala nang masabi, hinto)
At kung sakaling maulit mga ganitong klaseng tagpo
Sana makilala mo pa rin ako

Isa lang ang gusto kong malaman
Handa ka bang sumama kahit sa’n man abutan
Bagay na ramdam kahit walang salitaan, yeah
Kahit ‘di mo na sabihin pa
Baby ay alam ko na

Gusto kita
Ako ay mapasaiyo
At mapag-isa damdamin natin
Sabihin mo sa ‘kin kung anong kailangan kong gawin
Kahit ano
Mapasa’kin ka lang
Dito sa ‘kin hanggang
Mag-umaga hawak-hawak ang iyong kamay
Parang isang romantikong pelikula
Sa isang tingin pa lang
‘Di kailangang pag-usapan pa ‘yung tipo na alam mo na

Isa lang ang gusto kong malaman
Handa ka bang sumama kahit sa’n man abutan
Bagay na ramdam kahit walang salitaan, yeah
Kahit ‘di mo na sabihin pa
Baby ay alam ko na

Isa lang ang gusto kong malaman
Handa ka bang sumama kahit sa’n man abutan
Bagay na ramdam kahit walang salitaan, yeah
Kahit ‘di mo na sabihin pa
Baby ay alam ko na

Baby ay alam ko na
Baby ay alam ko na
Kahit ‘di mo na sabihin pa
Baby ay alam ko na

Wissenswertes über das Lied Alam Ko Na von Deny

Wer hat das Lied “Alam Ko Na” von Deny komponiert?
Das Lied “Alam Ko Na” von Deny wurde von Denise Pimping, Jan Emerson Magtoto, Jefferson T. Buenviaje, Emmanuel Salen komponiert.

Beliebteste Lieder von Deny

Andere Künstler von Contemporary R&B