Hanggang Sa Muli

Huwag mo akong sanayin sa paalam
Sa ilang saglit pang katahimikan
Pagluhang di maiiwasan ito nga ba ang ating hangganan
Lagi na lamang bang ganito

Ang isip at puso'y di magkasundo
Mahal kita yan ang totoo
Masakit mang unawain tanggapin at palayain
Mahal kita paalam giliw ko
Umaasa ako na ang puso ko'y sayo hanggang sa muli

Patuloy kitang hinihintay bakit ngayo'y muling mawawalay
Pagtitiis na walang kapantay
Sadya bang ganyan ang ating buhay
Lagi na lamang bang ganito

Ang isip at puso'y di magkasundo
Mahal kita yan ang totoo
Masakit mang unawain tanggapin at palayain
Mahal kita paalam giliw ko
Umaasa ako na ang puso ko'y sayo hanggang sa muli

At ngayon ika'y naririto
Magdamag akong kasama mo
Mananatili ba at di maglalaho sana'y huwag mapagod ang puso ko

Mahal kita yan ang totoo
Masakit mang unawain tanggapin at palayain
Mahal kita paalam giliw ko
Umaasa ako na ang puso ko'y sayo hanggang sa muli
Hanggang sa muli

Hanggang sa muli

Wissenswertes über das Lied Hanggang Sa Muli von Dingdong Avanzado

Wann wurde das Lied “Hanggang Sa Muli” von Dingdong Avanzado veröffentlicht?
Das Lied Hanggang Sa Muli wurde im Jahr 2020, auf dem Album “Download” veröffentlicht.

Beliebteste Lieder von Dingdong Avanzado

Andere Künstler von Middle of the Road (MOR)