Bayan Kang Magiliw

Bayan kang magiliw sa amin
Kailan pa ma’y hindi magdidilim
Busilak ang dilaw puti pula bughaw
Dama sa ‘yong tatlong bituin at araw

Sa dami ng iyong pinagdaanan
Iba’t ibang sigwa ang naranasan
Kapit lang sa Dios na may pagtitiwala
Pinagtagumpayan nang mapayapa

Magkaisang tinig sa panalangin pagpalain
Ang pinakamamahal na lupang hinirang natin
Watawat mo’y itataas itatanyag itatanghal
Ang awit sa ating bayang minamahal

Tunay ang pagmamahal sa’yo (ang pagmamahal sa’yo)
Buhay ay langit sa piling mo (langit sa piling mo)
Duyan ng magiting ang pumipintig (duyan ng magiting ang pumipintig)
Lulan ng walang hanggang pag-ibig (lulan ng walang hanggang pag-ibig)

Magkaisang tinig sa panalangin pagpalain
Ang pinakamamahal na lupang hinirang natin
Watawat mo’y itataas itatanyag itatanghal
Ang awit sa ating bayang minamahal

Namumukod-tanging pagsinta sa dibdib mo’y buhay
Walang kasing alab ng pusong binibigyang pugay
Binibigyang pugay

Magkaisang tinig sa panalangin pagpalain
Ang pinakamamahal na lupang hinirang natin
Watawat mo’y itataas itatanyag itatanghal
Ang awit sa ating bayang minamahal (ang awit sa ating bayang minamahal)

Watawat mo’y itataas itatanyag itatanghal
Ang awit sa ating bayang minamahal

Bayan kang magiliw
Bayan kang magiliw sa amin

Beliebteste Lieder von Dulce

Andere Künstler von Pop rock