Diwa'y Nag-iisip
Diwa'y nag-iisip puso'y nananabik
Pagkat walang umiibig
Sino kaya ngayon sa akin lalapit
Upang pawiin ang hapis
Ako'y nakahandang dumamay
Sa isang magmamahal na tunay
Ngunit ang nais ko'y tanging ako lamang
Ang siyang tatawaging hirang
Ako'y nakahandang dumamay
Sa isang nagmamahal na tunay
Ngunit ang nais ko'y tanging ako lamang
Ang siyang tatawaging hirang
Tanging ako lamang
Ang siyang tatawaging hirang