Malinaw Na Malabo Na Tayo [Pop Rock]

Sinlinaw ng araw
Sa bukang-liwayway
Sinlinaw ng dagat
Na di magwawalyay
Malinaw na sa aking nagtatanong na puso
Malinaw na malabo na tayo

Sinlinaw ng gabi
Kapag bilog ang buwan
Sinlinaw ng mata
Ng batang may laruan
Malinaw na malapit ng lumipad papalayo
Malinaw na malabo na tayo (malinaw na malabo na tayo)
Malinaw na malabo na tayo

Madarama sa'yong galaw
Paglaho ng pag-ibig
Ang awit nating dalawa
Nawawalan ang himig
Wag nang ipagkaila

Di na kailangan pang pilitin
Malabo na tayo
Pag di mo pa aminin

Sinlinaw ng araw
Sa bukang-liwayway
Sinlinaw ng ugat
Sa palad ng kamay
Malinaw na sa akin
Magdarambong na puso
Malinaw na malabo na tayo (malinaw na malabo na tayo)

Malinaw na malabo na tayo (malinaw na malabo na tayo)
Malinaw na malabo na tayo (malinaw na malabo na tayo)
Malinaw na malabo na tayo (malinaw na malabo na tayo)
Malinaw na malabo na tayo (malinaw na malabo na tayo)
Malinaw na malabo na tayo (malinaw na malabo na tayo)

Beliebteste Lieder von Ely Buendia

Andere Künstler von Pop rock