Hayaang Ibigin Ka

Carlito Cimacio Jr.

Sa panaginip 'di nawawaglit
Akala'y kathang isip
Ngunit nariyan sa 'king tabi
Tawag ng pag-ibig

Tila awit paulit-ulit
Tinig mo ay naririnig
Sa paghimbing yakap pa rin
Ayaw ko nang magising

Hayaang makita at makasama
Kahit pikit ang mata
Lungkot ay papanaw 'di masisilaw
Kapit lang aking sinta
At kung mangyaring 'di magising
Bituin akong sayo'y magniningning
Kapiling ako hayaang ibigin ka

Habang mayro'n kang pagtingin
Akin lamang hiling
Sana'y magtagal ako'y sa'yo lang
Walang nanaisin pa

Tila awit paulit-ulit
Tinig mo ay naririnig
Sa paghimbing yakap pa rin
Ayaw ko nang magising

Hayaang makita at makasama
Kahit pikit ang mata
Lungkot ay papanaw 'di masisilaw
Kapit lang aking sinta
At kung mangyaring 'di magising
Bituin akong sayo'y magniningning
Kapiling ako hayaang ibigin ka

Hayaang makita at makasama
Kahit pikit ang mata
Lungkot ay papanaw 'di masisilaw
Kapit lang aking sinta
At kung mangyaring 'di magising
Bituin akong sayo'y magniningning
Kapiling ako hayaang ibigin ka

Wissenswertes über das Lied Hayaang Ibigin Ka von Erik Santos

Wann wurde das Lied “Hayaang Ibigin Ka” von Erik Santos veröffentlicht?
Das Lied Hayaang Ibigin Ka wurde im Jahr 2018, auf dem Album “Erik Santos 15” veröffentlicht.
Wer hat das Lied “Hayaang Ibigin Ka” von Erik Santos komponiert?
Das Lied “Hayaang Ibigin Ka” von Erik Santos wurde von Carlito Cimacio Jr. komponiert.

Beliebteste Lieder von Erik Santos

Andere Künstler von Middle of the Road (MOR)