Kung Bubuksan Mo Lang Ang Puso
Pag masdan mo ang mga bata na nasa lansangan
Salat sa lahat ng bagay lalo na sa pagmamahal
Yakap nila ang hirap at gutom
Ito ay hanggan kailan
Mayron pa kaya silang pupuntahan
Kung bubuksan mo lang ang puso
At diringgin ang hikbi nila
Ay my pag-asa pang naghihintay para sa bawat isa
Halika at sila'y damayan at wag na hayaan pa
Habang 'di pa huli bigyan natin ng ligaya
Ano ba ang pag-ibig kung walang kabuluhan
Ano ba ang pagtulong kung pagkukunwari lamang
Kung tapat sa puso at damdamin
Ang bawat pagmamahal
Ang pag-asa ay ating makakamtam
Kung bubuksan mo lang ang puso
At diringgin ang hikbi nila
Ay may pag-asa pang naghihintay para sa bawat isa
Halika at sila'y damayan at wag na hayaan pa
Habang 'di pa huli bigyan natin ng ligaya
Mapalad ang pusong sa kapwa ay may pang unawa
At naririnig ang humihingi ng awa
Ngaun ay dapat simulan
Ang isip at ang puso ay buksan
Ialay natin ang pagmamahal

Oh