Panalangin
bakit ang dali dali
ng pagmamahalan nating dal'wa
di nagmadali
sinusulit ang bawat sandali
tila ba isang kanta
na agad agad mong nakabisa
at pag kasama ka
ang oras ay di napupuna
kaya nga sinasabi ko
iba ang pagkakataong ito
natuto na kasi ako
noon
pinagpala ako
sa pag ibig nating ito
hindi ako malilito
kahit na milyon milyon pa ang tuksong
lumapit sa akin
ikaw pa rin ang pipiliin
o aking panalangin
o aking panalangin
dahil sa iyo
ang puso ko'y kumakalma
wala na ngang iba
sayo ako ay kuntento na
at kung sakali man
may ibang magustuhan
yun ay ang babaeng nasa loob mo ng siyam na buwan
at kung lalaki man
sayong sinapupunan
edi mas lalong ayos
merong mauutusan
kaya nga sinasabi ko
iba ang pagkakataong ito
nagbago na kasi ako
ngayon
pinagpala ako
sa pag ibig nating ito
hindi ako malilito
kahit na milyon milyon pa ang tuksong
lumapit sa akin
ikaw pa rin ang pipiliin
o aking panalangin
pinagpala ako
sa pag ibig nating ito
hindi ako malilito
kahit na milyon milyon pa ang tuksong
lumapit sa akin
ikaw pa rin ang iibigin
o aking panalangin