Dinggin Ang Awit
Sanay dinggin ang awit kong ito
Sanay mabago ang damdamin mo naririto
Sino kang magsasabi na ang Pinoy ay laging huli
Sa mga tugtugin ay puro gaya na lang kami
Naririto ang isang awit ito'y pakinggan mo
Ako'y isang Pinoy na tago ang lumikha nito
Huwag ka sanang dumaldal ng sobra aking kaibigan
Pakinggan mo ang awit ng Pinoy naririto
Ito'y awiting kayumanggi di ka dapat magtaka
Pakinggan mo't ito'y para sayo para sayo
Huwag ka sanang dumaldal ng sobra aking kaibigan
Pakinggan mo ang awit ng Pinoy naririto
Ito'y awiting kayumanggi di ka dapat magtaka
Pakinggan mo't ito'y para sayo para sayo