Guro
Sa isip ko'y 'di ka mawawaglit
Sa puso ko'y nakaukit kang lagi
Ang mga alaalang iniwan 'di ko malilimutan
Karamay ka sa kalungkutan ko
Laging bukas ang mga palad mo
Kay ganda ng iyong mga pangaral sa iyo ako'y natuto
Ikaw ang aking guro
Ikaw ang humubog sa aking buhay
Ikaw ang aking gabay kaibigan kong matalik na tunay
Itinuwid mo ang kamalian
Itinuro mo sa akin ang daan
Ikaw din ang nagbigay-lakas sa huminang kalooban
Ikaw ang aking guro
Ikaw ang humubog sa aking buhay
Ikaw ang aking gabay
Kaibigan kong matalik na tunay
Ikaw ang aking guro
Ikaw ang humubog sa aking buhay
Ikaw ang aking gabay
Kaibigan kong matalik na tunay
Sa isip ko'y 'di ka mawawaglit
Sa puso ko'y nakaukit kang lagi
Ang mga alaalang iniwan 'di ko malilimutan
Ikaw ang aking guro
Ikaw ang humubog sa aking buhay
Ikaw ang aking gabay
Kaibigan kong matalik na tunay
Ikaw ang aking guro
Ikaw ang humubog sa aking buhay
Ikaw ang aking gabay
Kaibigan kong matalik na tunay
Sa isip ko'y 'di ka mawawaglit