Kasaysayan Ni Pedro

Noong bata pa itung si Pedro ay maligaya
Sunod ang kanyang layaw nag-iisang taga pagmana
Ang pagsulong ng araw ay di niya napapansin
Huli ng malaman na siya pala'y nag-iisa

Madalas niyang naiisip nung siya pa ay binata
Kay daming mga niligawan walang napusuan
Ang tanging tapat lamang ay ang kanyang mga aso
Sila ang magmamana sa kayamanan ni Pedro

Kapos sa pag-ibig maraming pera
Buhay ni Pedro hindi masaya
Tumandang binata walang pamilya
Palubog na ang kanyang araw oh oh

Tuwing sasapit ang dapit hapon siya ay naglalakad
Ang kasama niyang lagi ay ang kanyang mga aso
Yan lamang ang libangan ng tumandang si Pedro
Higit na mapalad ang kanyang maiiwang aso

Higit na mapalad ang kanyang maiiwang aso

Kapos sa pag ibig maraming pera
Buhay ni Pedro 'di masaya
Tumandang binata walang pamilya
Palubog na ang kanyang araw oh oh

Tuwing sasapit ang dapit hapon siya ay naglalakad
Ang kasama niyang lagi ay ang kanyang mga aso
Yan na lamang ang libangan ng tumandang si Pedro
Higit na mapalad ang kanyang maiiwang aso

Higit na mapalad ang kanyang maiiwang aso
Higit na mapalad ang kanyang maiiwang aso

Wissenswertes über das Lied Kasaysayan Ni Pedro von Freddie Aguilar

Wann wurde das Lied “Kasaysayan Ni Pedro” von Freddie Aguilar veröffentlicht?
Das Lied Kasaysayan Ni Pedro wurde im Jahr 2002, auf dem Album “Collection” veröffentlicht.

Beliebteste Lieder von Freddie Aguilar

Andere Künstler von World music