Tayo'y Mga Pinoy
Tayo'y mga pinoy tayo'y hindi kano
'Wag kang mahihiya buhay man ay maralita
Dito sa silangan ako isinilang
Kung saan nagmumula ang sikat ng araw
Ako ay may sariling kulay kayumanggi
Ngunit 'di ko maipakita tunay na sarili
Bakit kaya tayo ay ganito
Bakit nanggagaya mayro'n naman tayo
Tayo'y mga pinoy tayo'y hindi kano
'Wag kang mahihiya buhay man ay maralita
Tayo'y mga Pinoy tayo'y hindi kano
'Wag kang mahihiya buhay man ay maralita
Kung ating hahanapin ay matatagpuan
Tayo ay may kakanyahan dapat na hangaan
Subalit nasaan ang sikat ng araw
Ba't tayo ay humahanga doon sa kanluran oh
Bakit kaya tayo ay ganito
Bakit nanggagaya mayro'n naman tayo
Tayo'y mga pinoy tayo'y hindi kano
'Wag kang mahihiya buhay man ay maralita
Tayo'y mga pinoy tayo'y hindi kano
'Wag kang mahihiya buhay man ay maralita
Mayro'ng isang aso daig pa ang ulol
S'ya'y humihingal hindi tumatahol
Katulad ng iba pa-english-english pa
Na kung pakikinggan mali-mali naman 'wag na lang
Tayo'y mga Pinoy tayo'y hindi kano
'Wag kang mahihiya buhay man ay maralita
Tayo'y mga pinoy tayo'y hindi kano
'Wag kang mahihiya buhay man ay maralita
Tayo'y mga pinoy tayo'y hindi kano
'Wag kang mahihiya buhay man ay maralita
Tayo'y mga pinoy tayo'y hindi kano
'Wag kang mahihiya buhay man ay maralita
Tayo'y mga pinoy tayo'y hindi kano
'Wag kang mahihiya buhay man ay maralita
Tayo'y mga pinoy tayo'y hindi kano 'wag kang mahihiya