Watawat
Uhaw sa bughaw
Mananatili na lamang ba sa digma
Bintang at husga
Tunay nga bang malaya
Sa bawat pangakong ‘di natutupad
Lulubog ang araw at ‘di na sisikat
Nangarap sa mga bituin
Na tila’y lumalayo
Naghahabol sa nais kong
Tahimik at walang nag-iingay
Ating tinig mapayapang ugnay
Ikaw ang himig
At kulay ng buhay ko
Luhang pula (pula)
Sinasalo ang bawat patak ng lupa
Lupang hiram (lupang hiram)
Dahan-dahang binubura ang hinirang
Sa bawat pangakong ‘di natutupad
Lulubog ang araw at ‘di na sisikat
Nangarap sa mga bituin
Na tila’y lumalayo
Naghahabol sa nais kong
Tahimik at walang nag-iingay
Ating tinig mapayapang ugnay
Ikaw ang himig
At kulay ng buhay ko
Tahimik at walang nag-iingay (tahimik)
Ating tinig mapayapang ugnay (tinig)
Ikaw ang himig
At kulay ng buhay ko
Kulay ng buhay ko
May kulay ang buhay ko