Sa Musika [Theme from ”Stories from the Heart: Love On Air”]
'Di naman ikaw ang pinapangarap
'Di naman ikaw ang aking hinahanap
Anong ginagawa mo sa buhay ko
Bakit ba damdamin ko'y nagkakagulo oh
Buong atensyon ko'y palagi mong kinukuha
Inis sa 'king mukha hindi mo ba nakikita
Bakit ba pinagtagpo tayo ng tadhana
Talaga bang may plano para sa ating dal'wa
Wala naman akong magagawa sa ngayon
Hahayaan ko na lang lumipas ang mga panahon
Sasabay na lang sa musika
Sa tibok ng puso magtitiwala
Malay mo balang araw magpantay
Pag-indak paggalaw ng ating buhay
Woah
Woah
Woah
Ngayon ay 'di ka na maalis sa 'king isipan
Ano bang nakita ko sa'yong katauhan
Kinukumpleto mo ang bawat kulang
'Di na kita kayang pakawalan
Wala naman akong magagawa sa ngayon
Susundan ko na lang kung sa'n umihip ang panahon
Sasabay na lang sa musika
Sa tibok ng puso magtitiwala
Malay mo balang araw magpantay
Pag-indak paggalaw ng ating buhay
Woah woah woah
Sasabay na lang sa musika (sasabay sa musika)
Sa tibok ng puso magtitiwala (sa puso magtitiwala)
Malay mo balang araw magpantay
Pag-indak paggalaw ng ating buhay
Woah woah woah