Kung Hindi Ngayon

Gary Granada

Kung hindi tayo kikilos sino pa ang kikilos
Ano pa ang ating hinihintay
Kung 'di ka ngayon lalaban kailan ka pa lalaban
Kung malapit ka nang mamatay

Kung hindi ngayon kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon kailan pa
Kung hindi ngayon kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon kailan pa

Matrikula'y nagtataasan paarala'y binubusalan
Niyuyurakan ang ating karapatan
Kinukulong nang walang hatol pinapatay ang tumututol
Sa makadayuhang pamahalaan

Kung hindi ngayon kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon kailan pa
Kung hindi ngayon kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon kailan pa

Nalalason ang isipan ng maraming kabataan
Ito'y dapat kaagad ay sugpuin
Kamandag na komunista patayin hangga't maaga
Ngayon na ngayon na ngayon din

Kung hindi ngayon kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon kailan pa
Kung hindi ngayon kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon kailan pa

Kayong hilaw na aktibista mabuti pa'y magsiuwi na
Habang ako ay nakapagtitimpi oh
Umpisahan niyo nang masanay
Hangga't walang hustisyang tunay
Ay babalik at babalik kami

Kung hindi ngayon kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon kailan pa
Kung hindi ngayon kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon kailan pa

Kung hindi ngayon kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon kailan pa hah ha

Kung hindi ngayon kailan pa

Wissenswertes über das Lied Kung Hindi Ngayon von Gary Granada

Wann wurde das Lied “Kung Hindi Ngayon” von Gary Granada veröffentlicht?
Das Lied Kung Hindi Ngayon wurde im Jahr 1997, auf dem Album “Lean, A Filipino Musical” veröffentlicht.

Beliebteste Lieder von Gary Granada

Andere Künstler von