Papagayo

Gerardo Reyes

Papagayo

Buti na lang nandyan ka
Buti na lang nandyan ka
Buti na lang nandyan ka
Buti na lang nandyan ka

Nilanghap ang hangin kapit ka sa akin
Kung hindi mo kaya di ka pipilitin
Bukas ang tapayan pwede mong gamitin
Di pababayaan Di ka lalaitin

Wag mo lang hayaan ikaw ay baliin
Pinili mong daan kulang pa sa lilim
Dapat pag aralan babad ka sa bilin
Pinili mong laban nais kang ibitin

Kelan mo nalamang ikaw ay alipin?
Maraming kalabang dati ay tinuring na
Kapamilya,kaibigan, katropa na dating kasama
Sa anumang giyera, pagkita ng pera,
Kahit pa pumila, hindi alintana, hindi to karera.
Sanay sa bangketang puro pakisama
Nag aabakada ng naka gasera

Hindi alintana, hindi to karera.
Kumakambyo na ko papuntantang tresera
Lahat ng problema iiwan ko muna
Sasakay na muna sa mga planeta

Buti na lang nandyan ka
Buti na lang nandyan ka
Buti na lang nandyan ka
Buti na lang nandyan ka

Hanggang sa biglang nagulo ang mundo
Naging biktima't salarin sa laro
Humihinga pero naghihingalo
Kumakatok tapos biglang lalayo

Hangad ko rin lang naman ay mabuo
Ang buhay na nagka pira-piraso
Sa bawat pagsubok ay sinasalo
Hanggang ngayon ay sapul ang palaso

Kapag tinamaan ayaw ng iwanan
Ang mundong tahimik makatotohanan
Walang pinipiling antas sa lipunan
Walang kapalit kusang nagbibigayan

Sa pagbabalik koy may kapayapaan
Handa na muling harapin kapalaran
Lakas ng loob na makipagsabayan
Ano mang tarik yan ay makakayanan

Buti na lang nandyan ka
Buti na lang nandyan ka
Buti na lang nandyan ka
Buti na lang nandyan ka

Sumakay, tinangay sa malayo
Sumabay, naglakbay at dumayo
Pano mo naabot ang palasyo?
Pataas pababang papagayo

Tumuloy kahit di sigurado
Dumalo sa munting pagsa salo
Hinimay, ginamay mga payo
Ginawang aral ang pagkatalo.

Sumakay, tinangay sa malayo
Sumabay, naglakbay at dumayo
Pano mo naabot ang palasyo?
Pataas pababang papagayo

Tumuloy kahit di sigurado
Dumalo sa munting pagsa salo
Hinimay, ginamay mga payo
Ginawang aral ang pagkatalo.

Beliebteste Lieder von Gerardo Reyes

Andere Künstler von Mariachi