Crochet

Ghetto Gecko

Daming tolongges panis, parang kalat winalis
Di sila makadaplis yeah, lahat sila iwan f**k the rest
Ang buhay laro parang chess, barilan ng bara to man
Wag kang sumabay kung tira bitin, wala kang talab ako ay naka-vest yeah

Itong era salpukan ng best yeah, tapos ang dami pang pest yeah
Lahat durog dinigest yeah, buong pagkatao ko blessed aye
Galaw lang saka na yung rest, aye

Lahat ay sagada lang sasantohin, lahat ng bala ko sasaluhin madami pang bagang paliliyabin yeah yeah yeah

Kita mo, di na to yung dating ako
Napagtanto, kung bakit kelangan gumana ako
Sa daming kinalasan ko sarili lang ang binuo
Kailangan na mag papaldo hanggang kuminang, sa mga kumontra ano
Dala ang kargada nako, tamaan humarang takbo
Isang kalabit sa iyong pandinig puputok (pang)
Dame pa tong kasunod (ha)
Sa bago na alon lunod (ka)
Galing ng pasay tumambay sa manda hulo (ha)

Lahat ng nandito gigil at mulat ang mata at wala ng pake dyan sa mga sita
Tanging musika lang aking sinisinta gusto ko lang naman buhay ko magiba, hanggat humihinga
Yeah, walang pahinga
Ang daming nilamon ang daming naipong tinga, mundo nililinot ko pa yeah yeah

Daming napapalingon sabik na makakita ng mga kakaibang hindi pa nakikita
Mas gusto pa nila kong masilayan kesa maputi na hita, ikalat ang balita
Wag kanang magpatuloy kung kalooban mahina, ang buhay namin diti parang gera sa maynila
Lahat nanunubok sa eksena, lahat sila ay iisa ang tema
Lahat ay unahan parang karera, lahat sila sunog saking gasera
Butas mga bunbunan nila parang binarena (pow pow pow)

Di mo alam, mapa imahe o kahit timbang
Kung san lumagare at san nalibang, bawat atakeng nakita mo lang
Pero hindi mo ramdam, kumauod nang mag isa lang
Humayong lumayong langgam, ang daming nangyare patakarang aking binali noong tiyan ay biglang kumalam
Lahat ng ito ay parte lang rin ng aking pasanin hanggang kuminang, pagaanin pa ang bawat timbang
Ng aking bagahe makita ko lang, lahat ng biyaya sakin nilaan
Sa bawat pakiki pag sagupaan, dala ko na angas hindi basta lang
Lahat ng humarang lahat titimbwang

Mga hadlang walang talab, ubos lahat pag bumuga lahat kayo mabubura
Nagbabadya nang pumutok lamon lahat, pati bundok tanaw ko lamang ay tuktok

Mga hadlang walang talab, ubos lahat pag bumuga lahat kayo mabubura
Nagbabadya nang pumutok lamon lahat, pati bundok tanaw ko lamang ay tuktok

Sobrang fly meron fame, daming money saking wallet daming bitches parang king
Lahat sila nabulabog noong kami ay dumating, lahat nanghihina
Yeah, bawal ang mahina (yah)
Naka god mode on, walang kups na pinansin
Gusto nilang pitasin, akala nila madali
Di nadarag nanatili saking lane, di na to gaya ng dati di na same ( woah woah)
Pag nagluto sobrang flame, tas nagaamoy kambing
Yeah, sunod na yung mga tumawa sakin don noon
Daming ebas atensyon nila sakin nakatuon, tulala sila ngayon alam mo na

woah woah woah woah woah woah
woah woah woah woah woah woah
woah woah woah woah woah woah
woah woah woah woah woah woah

Beliebteste Lieder von Ghetto Gecko

Andere Künstler von Asian hip hop