Sana Sabihin Mo
Di ko alam kung bakit
Bigla na lang pumangit
Itong magandang pagtitinginan
Biruan natin na kay saya
Unti-unting nawawala napipikon ka pa nga
Ano kayang naging dahilan
At bigla kang nagkaganyan
Ayaw mo na rin ng pinakikielaman
Hindi kaya yang bagong shampoo mo
Naka apekto dyan sa ulo mo
Kaya ako'y ginaganito
'Wag naman sana wag naman
Sana sabihin mo kung ayaw mo na
Ng hindi ako nagmumukhang tanga
Na umaasa umaasa pala sa wala
Eh ano sayo kung masaktan man ako
Concern ka pa ba sa feelings ko
Siguro noon pero di na ngayon oh
Di ko alam kung nasaan
Baka naman nasagasaan ng pison
Mga prinamis mo
Na tanging ako at walang iba
Nanunuod pa tayo noon diba
Ang title pa nga ang tanging ina
Araw ko'y nabwibwiset
Di pa ako maka idlip
Ayaw kang maalis sa aking isip
Di kaya sa sobrang paligo mo
Nakuskos mo pati ang memory mo
Kaya ako'y dinededma mo
Baka naman meron ka nang iba
Kase ganyan ganyan ka diba
Sana sabihin mo kung ayaw mo na
Ng hindi ako nagmumukhang tanga
Na umaasa umaasa pala sa wala
Eh ano sayo kung masaktan man ako
Concern ka pa ba sa feelings ko
Siguro noon pero di na ngayon oh
Sana sabihin mo
Sana sabihin mo
Sana sabihin mo
Ng di ako nag mumukhang tanga
Sana sabihin mo
Sana sabihin mo (sana sabihin mo)
Sana sabihin mo
Ng di ako nag mumukhang tanga