Mas Maligayang Pasko

Jungee Marcelo

Matindi ang trapik abala at naghahabol
Ang lahat na yata ng mga tao nasa mall
At nagsisiksikan para bang magagahol

Walang nagbibigayan nagkabuholbuhol
Pagod na ang isip katawan at ang bulsa

Paano kakayanin na ito ay mapagkasya
Munting nakayanan ay magustuhan sana
Kahit di mamahalin pagpasiyensiyahan mo na (kahit di mamahalin pagpasiyensiyahan mo na)

Panahon na naman ng regalo
Minsan lang isang taon ang ganito
Dagdagan natin ang aginaldo heto dinggin mo

Mas maligayang pasko kung may pagkakaisa kahit magkakaiba
Mas maligayang pasko tulong-tulong ang lahat
Nagsasama ng tapat ibang klaseng monita monito para sa akin at sayo
Mismong mas maligayang pasko

Bakit nagdiriwang ano nga ba ang diwa
Kung hindi ang alay na pag-ibig na dakila
S'yang laan sa ating kinalulugdan Niya
Nagmula sa langit wagas ang pagsinta (nagmula sa langit wagas ang pagsinta)

Si Hesus ang tunay na regalo
Handog para sa'kin at sa'yo
Gloria in excelsis Deo
Amen Immanuel (Amen Immanuel)

Mas maligayang pasko kung may pagkakaisa kahit magkakaiba
Mas maligayang pasko tulong-tulong ang lahat
Nagsasama ng tapat ibang klaseng monita monito para sa akin at sayo
Mismong mas maligayang pasko oh

Kung may pagkakaisa kahit magkakaiba
Mas maligayang pasko tulong-tulong ang lahat
Nagsasama ng tapat ibang klaseng monita monito para sa akin at sayo
Mismong mas maligayang pasko oh

Wissenswertes über das Lied Mas Maligayang Pasko von Harvest

Wer hat das Lied “Mas Maligayang Pasko” von Harvest komponiert?
Das Lied “Mas Maligayang Pasko” von Harvest wurde von Jungee Marcelo komponiert.

Beliebteste Lieder von Harvest

Andere Künstler von Pop rock