Gunita

Jayvee Gimena

Wag mo nang itanong kung bakit
Bigla nalang sayo naakit
Imahe mo na nakaukit
Na sa utak ko at inuulit
Ang senaryong labi ay magkadikit
Katawan ay umiinit
Hinigpitan mo ang pagkapit
Bawat segundo'y sinusulit

Habang binabayo kita
Mukha mo'y tila ba namumula, gusto mo to mula nung umpisa
Sumasabay sa musika
Bawat pagalaw mo'y parang mahika, dinadala ako sa kabilang banda

Sana'y maulit pa ang
Gabi na magkasama tayong dalawa, handa 'kong ibigay lahat sayo sinta
At nang maparanas ko naman sayo na, ikaw palagi inuuna
Sana'y maulit pa ang
Gabi na magkasama tayong dalawa, handa 'kong ibigay lahat sayo sinta
At nang maparanas ko naman sayo na, ikaw palagi inuuna

Panay ang silip sa bintana
Magisa ngayon sa kama
Hanap hanap 'yong hiwaga
At humihiling sa mga tala

Na sana'y mahagilap ka ulit
At tuluyan ka nang makasama
Binigyan mo ulit ng gana
Ang buhay kong pariwara na

Randam ko bawat gunita
Na para bang ito'y pelikula, damdamin ko sayo'y lumalala
Di na mapalagay sinta
Sabik na sa mga halik mo't yakap, masilayan ko ulit ang tanging ganda

Sana'y maulit pa ang
Gabi na magkasama tayong dalawa, handa 'kong ibigay lahat sayo sinta
At nang maparanas ko naman sayo na, ikaw palagi inuuna
Sana'y maulit pa ang
Gabi na magkasama tayong dalawa, handa 'kong ibigay lahat sayo sinta
At nang maparanas ko naman sayo na, ikaw palagi inuuna

Beliebteste Lieder von HO

Andere Künstler von K-pop