Oras [2021 Remaster]
Halata sa iyong mata ang pagod na iyong dala na para bang ayaw mo na
Mga luhang pilit mong tinatago ramdam mula sa kabilang silid
Nandito lang ako 'wag kang mag alala kahit hindi pa ako ang iyong i-una
Dahil kung kailangan mo pa ng oras sige lang tanggap ko naman ang lahat ng ito
Ay para satin din naman at kung kailangan mo pa ng oras sige lang
Hindi man ako ang una mong piliin walang sawa kitang iintindihin
Aking mahal 'wag malumbay kahit minsan lang magsama dahil 'di ako mawawala
'Wag ka sanang madala sa mga taong nagsasabi ng walang kabuluhan
Sinusukat daw ang pag-ibig sa oras na iyong nilaan na sa akin ay hindi makatarungan
Dahil kung kailangan mo pa ng oras sige lang tanggap ko naman ang lahat ng ito
Ay para satin din naman at kung kailangan mo pa ng oras sige lang
Hindi man ako ang una mong piliin walang sawa kitang iintindihin
'Wag mo sanang isipin na kailanman ika'y nagkulang oohh
Darating din ang panahong hindi na kailangang mawalay
Dahil kung kailangan mo pa ng oras sige lang tanggap ko namang ang lahat ng ito
Ay para satin din naman at kung kailangan mo pa ng oras sige lang
Hindi man ako ang una mong piliin walang sawa kitang iintindihin iintindihin iintindihin