Sana Naniwala Sa'Yo

Sabi mo na naglalaro tayo
'Di pala totoo
'Kala ko 'di ka na nagbibiro
'Wag ka nang malungkot
Tumingin ka na lang sa puso ko

Sana naniwala sa 'yo
Wala na sanang nagtampo
Wala na bang magagawa ang pagsisisi ko

Sabi mo na malabo ang mundo
Ito pala'y totoo
'Kala ko na inaasar mo 'ko
'Wag ka nang magloko
Ikaw lang ang iibigin ko

Sana naniwala sa 'yo
Wala na sanang nagtampo
Wala na bang magagawa ang pagsisisi ko

'Wag na 'wag nang magalit
'Wag na 'wag nang masungit
'Wag na 'wag nang mainit baka pumangit

Sana naniwala sa 'yo
Wala na sanang nagtampo
Saan na ba mapupunta ang kapalaran ko

Beliebteste Lieder von Itchyworms

Andere Künstler von Pop rock