Sana’y Bigyan Mo Ng Pansin
[Verse 1]
Hanggang kailan magtitiis
Ang puso kong nagnanais
Na kahit minsa'y madinig
Ang daing ng pag-ibig
O, kay tagal nagdurusa
Hanggang ngayo'y umaasa
Baka sakaling mahalin
Magbago ang iyong damdamin
Araw-gabi'y naghihintay
Baka sakaling dumaan
Lumingon ka sa aki't kumaway
At ngumiti man lang minsan
[Chorus]
Sana'y bigyan mo ng pansin
At konting pagtingin
Ano ang aking gagawin
Upang matutuhan mo akong mahalin?
[Verse 2]
'Pag 'di kita nakikita
Ang oras ay kay bagal
'Pag nand'yan ka na sa aking tabi
O, kay bilis ng sandali
[Chorus]
Sana'y bigyan mo ng pansin
At konting pagtingin
Ano ang aking gagawin
Upang matutuhan mo akong mahalin?
[Instrumental Bridge]
[Chorus]
Sana'y bigyan mo ng pansin
At konting pagtingin
Ano ang aking gagawin
Upang matutuhan mo akong mahalin?
Woah-oh-oh, oh-oh