Tayo Na

Pag kasama kita di nag-aalala
Pag kasama kita ako'y masaya
Hirap ng buhay di alintana
Takot nawawala pag nariyan ka

Tayo (tayo)
Tayo na
Tayo (tayo)
Tayo na

Kahit saan pa man makarating
Kahit sa dulo pa ng daigdig kung meron man
Mga pagsubok ay haharapin natin
Basta't kasama kita kakayanin

Tayo (tayo)
Tayo na
Tayo (tayo)
Tayo na

Pag ako'y nakalimot ipaalala mo sa akin
Pag nagkamali naman sana ay
Patawarin mo ako
Hu oh

Ang mahalaga ay kasama ka
Wala tayong iwanan sana
Kapit lang tayo sa isa't isa
Walang bibitiw tayo na

Tayo (tayo)
Tayo na
Tayo (tayo)
Tayo na

Ang buong akala ko ay
Naglalakbay lang akong mag-isa
Noong mga panahong
Marami akong problema
Di ko nga namalayan kung paano ako nakarating dito
Kailan ko lang napagtanto na binuhat mo pala ako
Parang hawig nito yung
Kwentong madalas kong basahin
Tungkol sa mga bakas ng paa na nasa buhangin
Ngayon saan man makarating
O kahit ano man ang suliranin
Dahil kasama kita lahat ay handa nang kayanin

Tayo (tayo)
Tayo na
Tayo (tayo)
Tayo na

Beliebteste Lieder von Jaba

Andere Künstler von Reggae music