Ikaw 'yon

Sa pagtulog ko'y ikaw ang siyang nakikita
Sa paggising ko'y ikaw pa rin ang alaala
Pag kapiling ka sa puso ay anong saya
Di ko kaya na sa buhay ko ay mawala ka

Ikaw 'yon na dati ay pinapangarap lang
Ikaw 'yon na siyang inaasam sa bawat araw
Ikaw 'yon na iibigin sa kailan pa man
Ikaw 'yon ikaw 'yon ikaw 'yon

Kung mabubuhay muli
Ay ikaw pa rin
Ang hahanapin ko
Upang sayo ay maglambing

Pangako ng puso ay lagi kang mamahalin
Di ko magagawa na saktan ka at paluhain

Ikaw 'yon na dati ay pinapangarap lang
Ikaw 'yon na syang inaasam sa bawat araw
Ikaw 'yon na iibigin sa kailan pa man
Ikaw 'yon ikaw 'yon ikaw 'yon

Wala nang papantay sa pag-ibig na alay mo
Ika'y nag-iisa sa puso ko
Paulit-ulit na sayo'y padarama ito
Na ikaw lang ang pakaiibigin ko

Ikaw 'yon na dati ay pinapangarap lang
Ikaw 'yon na siyang inaasam sa bawat araw
Ikaw 'yon na iibigin sa kailan pa man
Ikaw 'yon ikaw 'yon ikaw 'yon

Ikaw 'yon ikaw 'yon
Ikaw 'yon

Beliebteste Lieder von James Wright

Andere Künstler von Pop rock