Tanggap ko Na
BATID KO NA
SA ‘YONG MGA MATA
ANG TAGLAMIG
INIT AY NAWAGLIT
MARAHIL NGA
DITO MAGWAWAKAS
ANG MGA TAONG
NILAAN PARA SA YO
PRECHO:
'DI MALAMAN ANG DAHILAN KUNG BAKIT TAYO
HUMANTONG SA DULO NG ATING PAGSUYO
ANG PAIT AY ‘DI MAIWAWAGLIT
KAHIT SA ISANG SAGLIT
PUSO’Y TILA MANHID
CHORUS:
TANGGAP KO BA
KUNG MAG-ISA?
DI’ KO MAPIGIL NA
ANG MGA LUHA NA
BUMABAHA
WALA NA BANG
MAGKAKAPAGSALBA
SA ATING DALAWA?
TANGGAP KO BA?
ALAM KO NA
KUNG ‘DI NA KAYA
ANG MAGTIIS
AT MAGHINAGPIS
DAHIL SA YO
AKO’Y NATUTONG
MAGHINTAY
MANHIRIN ANG LUMBAY
PRECHO:
KAY TAGAL DIN NG PINAGSAMAHAN NATIN
PINILIT NA UNAWAAIN ANG LOOBIN
NGUNIT KAHIT NA ANONG GAWIN
HINDI NA MAGTUGMA ATING DAMDAMIN
CHORUS:
TANGGAP KO BA
KUNG MAG-ISA?
DI’ KO MAPIGIL NA
ANG MGA LUHA NA
BUMABAHA
WALA NA BANG
MAGKAKAPAGSALBA
SA ATING DALAWA?
BRIDGE:
SANA’Y PANAGINIP LAMANG
PAGMAGMULAT AY NANDYAN KA PA
NGUNIT ANG KATOTOHANAN
AY AKING PILIT TATANGGAPIN
DAHIL DI KA PARA SA ‘KIN
CHORUS:
TANGGAP KO NA
ANG MAG-ISA
DAHIL PUMAWI NA
ANG MGA LUHA NA
BUMABAHA
WALA NA NGANG
MAGKAKAPAGSALBA
SA ATING DALAWA....
TANGGAP KO NA
CODA:
TANGGAP MO BA?
TANGGAP KO NA